Ipinaaabot ng Konsuladong Panlahat ng Pilipinas sa Guam sa Filipino community sa CNMI (Rota) na ang Konsulado ay tatanggap ng aplikasyon mula sa mga Pilipinong nais magpa-rehistro para sa Overseas Voting sa magaganap na Mobile Outreach Service sa Rota, CNMI sa petsang 30-31 Marso 2023.
Ang nasabing rehistro ay bukas sa 30 Marso mula alas 2 ng hapon hanggang alas 5 ng hapon at sa 31 Marso mula alas 9 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali. Ang mga Pilipino na nais magpa-rehistro ay mangyaring magdala lamang po ng kopya ng kanilang valid passport at magtungo sa mga sumusunod na lugar:
30 Marso 2023 - Hotel Valentino (2 pm to 5 pm)
31 Marso 2023 - Hotel Valentino (9am to 12 pm)
Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, magpadala ng email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
Ang pagrehistro ay libre at hindi kinakailangang magtakda ng appointment.
Maraming Salamat po.